CHED nais gawing Agosto ang pasukan sa mga unibersidad

By Rhommel Balasbas September 19, 2018 - 04:01 AM

Ikinukonsidera ng Commission on Higher Education ang paglilipat ng pasukan sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa buwan ng Agosto.

Sa isang press briefing sinabi ni CHED Officer in Charge (OIC) Prospero de Vera, ito ay para walang balakid sa pagpapatupad ng Free College Education Law alinsunod sa cash-based budgeting system.

Sa ilalim ng naturang sistema, kailangang magastos ng mga ahensya ang kanilang budget sa mula Enero hanggang Disyembre.

Kadalasang ang klase sa mga pampublikong pamantasan ay nagsisimula sa June hanggang Oktubre para sa 1st semester at Nobyembre hanggang Marso o Abril ng susunod na taon para sa 2nd semester.

Nagiging problema sa reimbursement ng tution sa mga pamantasan kung magsisimula ang klase ng Nobyembre at magsusubmit pa lang ang mga ito ng dokumento sa Disyembre.

Ayon sa CHED, mahirap para sa kanila na iproseso ang lahat ng papel at ibigay ang reimbursement hanggang December 31.

Ani De Vera kung ang 1st sem ay matatapos ng Nobyembre o unang bahagi ng Disyembre, pasok ang babayarang tuition fee sa katapusan ng fiscal year.

Habang ang susunod na semestre naman ay magsisimula sa pagbubukas ng panibagong fiscal year na mas angkop sa cash based-budgeting system.

Balak ipatupad ang paglipat sa pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto sa 2020 dahil nagsimula na ang school year ngayong taon.

Gayunman, depende pa ito sa magiging pinal na desisyon tungkol sa implementasyon ng cash-based budgeting system.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.