Biyahe pa-Italy ni dating VP Binay, pinayagan ng Sandiganbayan
Aprubado sa Sandiganbayan ang hiling ni dating Vice President Jejomar Binay na pumunta ng Italy para sa isang pilgrimage.
Sinabi ni Binay na nakatakda silang tumungo ng kanyang asawa sa Italy mula September 28 hanggang October 13 at bibisita sa Rome, Assisi, Padova, Venice, Turin at Florence.
Ito anya ay para matugunan ang kanyang espiritwal na pangangailangan bilang isang debotong Katoliko.
Pinayagan ng Third at Fifth Division ng korte ang motion to travel ng dating bise presidente na may kaukulang mga kondisyon.
Kailangan lamang magbayad ni Binay ng travel bonds na aabot sa P752,000 sa Third Division at P384,000 sa Fifth Division.
Kailangan rin niyang magpakita sa korte sa loob ng limang araw pagbalik niya ng Pilipinas.
Nahaharap sa mga kasong kasong graft, malversation at falsification of public documents ang dating bise presidente dahil sa umano’y maanomalyang pagpapatayo sa Makati City Science High School at Makati City Hall Parking Building.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.