Duterte hinikayat ang publiko na sa gobyerno magbigay ng donasyon kaysa TV stations
Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na sa gobyerno, partikular sa militar magpaabot ng donasyon para sa mga biktima ng bagyo at hindi sa mga tv stations.
Sa briefing sa Isabela, sinabi ng pangulo na personal niyang nakita ang ilang staff ng isang istasyon na kinukuha ang mga donasyong damit na kanilang maisusuot.
“I’m giving you a testimony. Personal… because I have a TV program, nakikita ko yung matatanda diyan sa opisina, they’re sorting out the things that were usable, or are usable for them. Sinasabi ko alam ba nito sa taas?” ani Duterte.
Hindi naman pinangalan ng presidente ang mga networks na isinalarawan niyang ‘prominente’.
Giit niya, sa militar na lang magbigay ng donasyon at hayaang ipamahagi ito ng direkta sa mga naapektuhan ng bagyo.
Hindi naman itinanggi ni Duterte na may pagkakataong hindi tiwala ang publiko sa sinseridad ng gobyerno pagdating sa relief efforts.
Gayunman anya, karamihan sa mga opisyal ay ginagawa ang kanilang sinumpaang tungkulin sa mga mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.