Operasyon ng Cebu Pacific sa Tuguegarao, ibinalik na

By Justinne Punsalang September 19, 2018 - 03:47 AM

Ibinalik na ng Cebu Pacific ang kanilang operasyon sa Tuguegarao Airport kahapon, araw ng Martes.

Ito ay upang makatulong sa pagdadala ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

Sa isang pahayag ng Cebu Pacific, nakasaad na ikinunsidera nila ang pangangailangan ng mga residente sa lugar kaya naman ibinalik na nila ang kanilang operasyon.

Magdadala ang Cebu Pacific flights ng supplies, resources, at humanitarian assistance para sa mga biktima ng bagyo.

Kahapon ay lumipad na patungong Tuguegarao ang isang flight ng Cebu Pacific at CebGo, habang ngayong araw naman ay nakatakdang lumipad patungo sa lugar ang recovery flight DG6006.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.