DPWH: Maraming kalsada sa Luzon sarado pa rin dahil kay Ompong
Nasa 38 pang road section ang nananatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan dulot ng epekto ng bagyong Ompong.
Sa report ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nasa 27 sa nasabing bilang ay mula sa Cordillera Administrative Region, apat sa Region 4, isa sa Region 1 at 2 at tatlo sa Region 3.
Sa CAR, kabilang sa nananatiling sarado ang Kennon Road na papunta at pababa sa Baguio City.
Ang mga nasabing kalsada ay kasalukuyang sumasailalim sa clearing operation matapos na masalanta ng rockslides, landslides, pagbaha at maharangan ng mga naputol na puno.
Ilan naman sa mga nasabing road section ay isinara dahil sa road slip, eroded bridge approach at tumumbang mga poste ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.