Signal ng Globe sa Baggao, Cagayan naibalik na
Naibalik na ng Globe Telecom ang network coverage nito sa Baggao, Cagayan kung saan nag-landfall ang bagyong Ompong.
Ayon sa pahayag ng Globe, sa ngayon gumagana na ang lahat ng kanilang cell sites sa lahat ng bayan sa Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Patuloy naman ang ginagawang pagsasaayos ng globe sa napinsala nilang serbisyo sa lima pang munisipalidad sa Abra.
Magugunitang nagdulot ng malawakang power interruption at network disruption ang bagyong Ompong sa Cagayan, Apayao, Abra, at Ilocos Norte.
Para naman matiyak na tuloy ang serbisyo sa publiko ay naglagay ng Libreng Tawag at free charging station ang Globe sa mga apektadong lugar.
Sa ngayon mayroon pa ring mga Libreng Tawag at charging stations ang globe sa sumusunod na lugar:
KALINGA:
- Nambaran Tabuk Barangay Hall
- Bulanao Tabuk Barangay Hall
- Magsaysay Tabuk Barangay Hall
- Dagupan Public Market Tabuk
BAGUIO CITY
- Baguio Athletic Bowl
- Itogon Training Center
CAGAYAN
- Evi Gas Station, Tuguegarao
- Globe Cell Site Centro East Ballesteros, Cagayan
- Onon Hub, Sta. Maria, Cagayan
- Globe Cell Site, Abulug, Cagayan
Pinalawig din ng Globe ang libreng unlimited GoWiFi service sa Robinsons Ilocos, Robinsons Laoag, at Robinsons Tuguegarao hanggang sa September 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.