Mga OFW na naantala ang biyahe dahil sa TY Ompong tatanggap ng P5,000
May ayudang makukuha mula sa pamahalaan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naaantala ang biyahe dahil sa bagyong Ompong.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) tatanggap sila ng P5,000 na tulong pinansyal.
Sakop nito ang mga OFW na naantala ang flights paalis o pauwi man ng Pilipinas noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.
Maari silang magtungo sa DFA Main Office o ‘di kaya ay sa mga DFA Consular Office sa mga lalawigan hanggang 21 Setyembre 2018 para kunin ang tulong pinansyal.
Kaliangan lamang dalhin ang kanilang pasaporte, employment contract, overseas employment certificate at lima at bagong airline tickets.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.