48 pa ang nawawala sa hagupit ng Ompong sa Cordillera
Aabot pa sa 48 katao ang pinaghahanap sa buong Cordillera Administrative Region (CAR) matapos ang hagupit ng bagyong Ompong.
Ayon sa Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, 54 ang naitala na nilang nasawi sa rehiyon at 32 ang sugatan.
Inaasahang madaragdagan ang death toll dahil sa dami pa ng hindi natatagpuan.
Pinakarami sa naitalang nasawi sa CAR ay sa landslide na naganap sa Itogon, Benguet.
Umabot sa 119 na landslides at rockslides ang naitala sa CAR at mayroon ding 33 insidente ng pagbaha.
Sa ngayon, tanging Kalinga at ang bayan ng Mayoyao sa Ifugao ang nagdedeklara pa lamang ng state of calamity sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.