Mga nagpakilalang miyembro ng NPA nag-rally sa Maynila

By Ricky Brozas September 18, 2018 - 10:33 AM

Sumugod sa istasyon ng LRT line 2 sa Recto, Maynila ang mga nagpakilalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Bago mag-alas 9:00 ng umga, mabilis na nagprograma sa paanan ng LRT ang nasa may 20 miyembro ng NPA at National Democratic Front of the Philippines.

Pawang nakatakip ng kanilang mukha ang mga ito dala ang bandera ng NDF AT NPA na may 10 minuto ring nagsisigaw sa harap ng publiko para iparating ang kanilang pagbatikos sa matinding krisis sa ekonomiya ng bansa.

Binatikos ng mga ito ang anilay alyansa ng Duterte Administration at ng pamahalaaang US na sinabayan pa ng pagpapatupad ng TRAIN law na nagresulta sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin.

Naniniwala ang grupo na rebolusyon ang solusyon sa problema ng bansa ngayon sa isyu ng kahirapan.

Matapos ang kanilang programa, dali-dali ding naglipit ng kanilang bandera at mga placards ang mga ito na kanya-kanyang pulasan sa gitna ng maraming tao.

Sinamantala ng mga ito ang kawalan ng presensya ng pulis sa lugar kaya natapos naman ang programa ng walang aberya.

TAGS: LRT, ndfp, NPA, Rally, Recto Maynila, LRT, ndfp, NPA, Rally, Recto Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.