K9 dogs ng Coast Guard ipadadala sa Itogon, Benguet

By Ricky Brozas September 18, 2018 - 08:26 AM

PNP Cordillera Photo

Magpapadala ng K9 dogs ang Philippine Coast Guard upang makatulong sa pagtunton sa mga minerong naapektuhan nang gumuhong minahan sa Itogon, Benguet.

Ayon kay Coast Guard Spokesman, Capt. Armand Balilo, 6 na K9 dogs ang kanilang ipadadala sa Itogon, Benguet kung saan pinaniniwalaang natabunan ng lupa ang mga trabahador.

Ang K9 dogs na may anim na handlers ay ililipad ng PCG Islander plane sa Poro Point sa La Union kung saan sila ay ililipat sa Air Asia helicopter patungong Itogon, Benguet.

Ang nasabing K9 SAR dog ang tumulong noon sa search and retrieval operations sa lalawigan ng Bohol nang yanigin ng matinding lindol.

TAGS: coast guard, Itogon Benguet, landslide, PNP CAR, coast guard, Itogon Benguet, landslide, PNP CAR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.