Dagdag na tulong sa mga binagyo tiniyak ng DSWD
Dinagdagan pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong.
Sinabi ni DSWD Sec. Virginia Orogo na umaabot na sa P14,864,056 na halaga ng tulong ang kanilang naibigay sa mga nabiktima ng bagyo.
Bumili rin ang DSWD-Cordillera Autonomous Region ng 600 sako ng bigas na ipamamahagi sa mga pamilyang lumikas sa mga evacuation centers.
Sa tala ng central office ng DSWD, aabot sa 147,540 families o katumas ng 591,762 persons ang direktang naapektuhan ng bagyo.
Nagmula ang mga ito sa 2,738 barangay at 433 na mga lungsod at munisipalidad sa loob ng 31 mga lalawigan na tinamaan ng hagupit ni Ompong.
Bukod sa food packs, sinabi ni Orogo na kailangan ring dumaan sa stress debriefing ng ilang mga binagyo lalo na iyung mga namatayan ng mga kaanak.
Sinabi pa ng opisyal na tuloy ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para sa mabilis na pagpapadala ng tulong base na rin sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.