Ilocos Norte isinailalim na sa state of calamity dahil sa pinsala ng Ompong
Isinailalim na rin sa state of calamity ang lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa tindi ng pinsala ng idinulot ng pananalasa ng bagyong Ompong.
Sa anunsyo sa Facebook Page ng Ilocos Norte Provincial Government nakasaad na umabot sa P3 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng bagyong Ompong sa buong lalawigan.
Dahil dito, sa bisa ng resolusyon, nagpasya na ang Sangguniang Panlalawigan na ideklara ang state of calamity.
Ito ay upang magamit ang calamity fund upang maipangtulong sa mga nasalantang residente.
Noong Sabado, itinaas ang signal number 4 sa Ilocos Norte dahil sa hagupit ng bagyo.
Samantala, para naman sa suspensyon ng klase sa lalawigan sa mga susunod na araw, ipinaubaya n ani Gov. Imee Marcos ang pasya sa mga lokal na pamahalaan.
Aniya, ang suspensyon ay depende sa tindi ng pinsala na natamo ng lungsod o bayan lalo na kung mayroong napinsalang mga paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.