Pagdaan sa Sinai Peninsula, iiwasan na rin ng Emirates Airlines

By Isa Avendaño-Umali November 01, 2015 - 09:48 AM

metro jetInihinto muna ng Emirates Airlines ang pagbiyahe ng mga eroplano nito sa Sinai Peninsula ng Egypt, makaraan ang pagbagsak ng isang Russian passenger plane na ikinamatay ng 224 na kataong sakay nito.

Sa inilabas na statement ng Gulf carrier, sinabi nito na iniiwasan muna ng Emirates ang pagbiyahe sa Sinai Peninsula hanggang sa makakalap sila ng karagdagang impormasyon ukol sa naganap na trahedya.

Dagdag pa Emirates Airlines na sa kasalukuyan ay patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon.

Ang Airbus A321 ay may sakay na 214 Russians at tatlong Ukranian passengers at pitong crew.

Noong Sabado, nauna nang inunsyo ng Air France at Lufthansa na pansamantala nilang ititigil ang pagbiyahe sa Sinai Peninsula bilang precaution habang iniimbestigahan ang Russian plane crash.

Inako ng Islamic State o IS group affiliate sa Egypt ang pagpapabagsak sa eroplano, subalit hindi binanggit kung papaano ito ginawa.

Pero ayon sa transport minister ng Russia, hindi raw ito maituturing na ‘accurate’, habang sinabi ng isang Egyptian security official na ang pagbagsak ng eroplano ay hindi dahil sa pag-atake.

 

TAGS: Emirates Airlines, Foreign News, Russian Plane crash, Emirates Airlines, Foreign News, Russian Plane crash

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.