Pangulong Duterte isinisi sa pari ang pagbagsak ng isang simbahan sa Benguet
Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pari ang pagbagsak ng isang simbahan sa Itogon, Benguet dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong sa Northern Luzon.
Sa isang press briefing sa Tuguegarao tungkol sa pinsala ng bagyo, sinabi ng pangulo na nakatanggap siya ng ulat tungkol sa pagbagsak ng simbahan sa Brgy. Ucab na nakaapekto sa 43 katao.
Ayon sa pangulo, kung pinalitan anya ang pari sa naturang simbahan ay hindi ito babagsak.
“There is an evolving story sa Itogon, Barangay Ucab… 43 persons doon, nag-collapse ‘yung church… Kaya nga ito eh, alam mo sir sa totoo lang, kung pinalitan niyo ‘yung pari diyan, ‘di magbagsak ‘yan,” ani Duterte.
Minura pa niya ang ang mga pari at tinawag na bobo.
“Bobo kasi itong mga pari, p*tang*na,” dagdag pa ng pangulo.
Makailang beses nang binanatan ng pangulo ang kaparian at ang Simbahang Katolika at tinawag itong ‘most hypocritical institution’.
Samantala, sinabi naman ni Duterte na bibisita siya sa naturang simbahan ngayong araw ng Lunes maging sa Baguio City at sa iba pang lugar sa Cordilleras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.