Pondo ng gobyerno sapat para sa rehabilitasyon ng nasalanta ng bagyong Ompong — Malacañan
Tiniyak ng Palasyo ng Malacañan na sapat ang calamity fund ng pamahalaan para magamit sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Ompong.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naglabas na ng P30 bilyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para ipambayad sa mga manggagawang magsasagawa ng post-typhoon clearing operations.
Dagdag pa ng kalihim, sinabi rin ni National Economic and Development Authority (NEDA) chair at Socio-economic Planning Secretary Ernesto Pernia na mayroon pang natitirang contingency fund mula sa 2018 budget na nagkakahalaga ng P3 bilyon.
Ngunit paglilinaw ni Roque, hindi lahat ng natitirang pondo ay gagamitin para lamang sa rehabilitasyon ng mga nasalantang lugar ng bagyong Ompong. Bagkus ay ilalaan ang ilang bahagi nito sa paghahanda naman sa iba pang kalamidad na posibleng dumating sa bansa.
Aniya, ang mahalaga sa ngayon ay sapat ang pondo ng pamahalaan na aabot sa P15 bilyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.