14 nasawi sa pananalasa ng bagyong Florence sa North Carolina
Habang nagpapatuloy ang pagbayo ng bagyong Florence sa Estados Unidos, partikular sa North at South Carolina, umabot na sa 14 ang bilang ng mga nasawi dahil dito.
Sa huling tala ay humina na ang bagyo sa 55km bawat oras malapit sa gitna at may bilis na 13km bawat oras.
Dahil sa pananalasa ng bagyo, 740,000 mga pamilya at establisyimento ang nananatiling walang kuryente at inaasahang posible itong magtagal ng ilang linggo.
Ayon sa pinuno ng Federal Emergency Management Agency na si Brock Long, nakatuon ngayon ang kanilang pansin sa search and rescue operations.
Pangunahing dahilan ng pagbaha sa North Carolina ang pagtaas ng lebel ng mga ilog at lakas ng ulang dala ng bagyo.
Mahigit 7,500 na ang na-evacuate dahil sa mga pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.