Bilang ng mga nasawi sa landslide sa Itogon, Benguet pumalo na sa 43

By Justinne Punsalang September 16, 2018 - 09:47 PM

(UPDATED AS OF 3:23AM) Pumalo na sa sa 43 ang bilang ng mga nasawi matapos maganap ang isang landslide sa Itogon, Benguet dahil sa pananalasa dito ng bagyong Ompong.

Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, sa huling bilang, 43 na ang nasawi, 30 ang nawawala, at 7 ang sugatan.

Bukod pa aniya ito sa mahigit 40 katao na na-trap sa isang bunkhouse sa Barangay Ucab na natabunan ng lupa.

Ayon pa sa alkalde, nasa 300 mga pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers.

Ayon naman kay Senior Superintendent Lyndon Mencio, hepe ng Benguet Provincial Police, mula sa guho, apat na katawan na ang kanilang narekober.

Samantala, isinisi ni Palangdan ang mga pagguho sa isinasagawang pagmimina sa kanilang lugar, at sa iba pang bahagi ng Benguet.

Aniya, gagawan niya ng paraan upang matigil na ang pagmimina sa kanyang bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.