Malacañan kinondena ang pagpapasabog sa GenSan
Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañan ang pagpapasabog ng isa improvised explosive device (IED) sa General Santos City.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nangangako ang Malacañan na gagawin ang lahat upang malaman kung sino ang nasa likod ng pag-atake na naganap habang abala ang lahat sa pananalasa ng bagyong Ompong.
Pagtitiyak ni Roque, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad sa insidente, kung saan pito katao ang sugatan.
Bagaman hindi pa natitiyak kung sino ang naglagay ng IED sa tabi ng isang drug store sa Barangay Labangal sa General Santos City, sinabi ng tagapagsalita ng Police Regional Office 12 na si Superintendent Aldrin Gonzales na nakatanggap sila ng ulat na sakay ng isang motorsiklo ang nag-iwan ng bag sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.