Extension ng voter’s registration at biometrics, nasa Korte Suprema
Nakasalalay sa Korte Suprema kung pagbibigyan ang petisyon ng Kabataan Partylist na palawigin ang voter’s registration hanggang January 8, 2016.
Ito ang sinabi ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista, sa gitna ng mga panawagan pa rin na palawigin ang voter’s registration na nagtapos na kahapon, October 31.
Ayon kay Bautista, labingpitong buwan ang inilaan ng Comelec para sa rehistrasyon at pag-validate ng biometrics ng mga botante.
Gayunman, marami aniya ang nagparehistro sa mga huling araw ng voter’s registration, at ang karamihan ay bigong ma-accommodate.
Giit ni Bautista, kailangang baguhin na ang ‘manaña habit’ o paggawa ng mga bagay kapag malapit na ang deadline.
Sa kabila nito, sinabi ni Bautista na susundin ng Comelec kung anuman ang maging pasya ng Kataas-taasang Hukuman hinggil sa petisyong voter’s registration extension.
Samantala, pinasalamatan ni Bautista ang media, maging ang kanilang mall partners, na malaki aniya ang naitulong sa kanilang kampanyang ‘No Bio, No Boto.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.