Hiling na extension ng missionary visa ni Fox, hindi pinahintulutan ng BI
Hindi pinagbigyan ng Bureau of Immigration (BI) ang request ng Australian missionary Sister Patricia Fox na extension ng kanyang missionary visa.
Sa dalawang pahinang kautusan, binigyang-diin ang una ng deportation order na inilabas laban kay Fox.
Ayon kay BI spokesperson Dana Krizia Sandoval, nakita ng ahensiya na nalabag ni Fox ang mga kondisyon ng kanyang pananatili sa bansa at ikinunsiderang undesirable na nagbunsod ng paglalabas sa kanya ng deportation order.
Aniya, nakita ng kanilang legal team na ang pag-aapruba ng extension ng missionary visa ni Fox ay hindi magiging consistent sa findings na binigyang-diin sa kanyang deportation order.
Dahil dito, obligado si Fox na mag-apply para sa pag-downgrade ng kanyang visa sa loob ng 15 araw mula sa receipt ng kautusan.
Dahil dito, ang status ng visa ni Fox mula sa misionary visa ay mada-downgrade ito sa temporary visitor’s visa.
Ang temporary visa ay meron lang 59 araw na validity period.
Magsimula ito mula sa araw ng expiration ng missionary visa ni Fox.
Samantala, may naka-pending pang apela sa Department of Justice (DOJ) si Fox kaugnay ng kanyang deportation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.