Suspensyon sa paglalayag sa ilang lugar sa bansa, inalis na ng PCG
Inalis na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang suspensyon sa paglalayag ng mga sasakyang-pandagat sa ilang lugar sa bansa.
Ito ay kasunod ng paglabas ng Bagyong Ompong sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa abiso ng PCG, maaari nang maglayag sa mga sumusunod na lugar:
– Manila
– Batangas
– Mindoro
– Quezon
– Bicol
– Cebu
– Bohol
– Samar
– Leyte
– Dumaguete
– Iloilo
– Puerto Princesa
Ayon kay PCG spokesman Capt. Armand Balilo, nananatili namang suspendido ang mga pantalan ng Antique at Bongao sa Zamboanga habang hinihintay ang clearance mula sa mga safety inspector.
Sa ngayon, patuloy ang pag-monitor ng PCG sa kondisyon ng dagat sa Brookes Point, El Nido, Cuyo at Coron sa Palawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.