M3.8 na lindol, naitala sa Surigao del Norte
By Rhommel Balasbas September 16, 2018 - 06:00 AM
Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte Linggo ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong anim na kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Socorro.
May lalim itong 5 kilometro at tectonic ang dahilan.
Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.