Fluvial Procession ng Birhen ng Peñafrancia natuloy sa kabila ng masungit na panahon
Hindi napigilan ng masungit na panahon dulot ng Bagyong Ompong ang sidhi ng pananampalataya ng libu-libong deboto ng Birhen ng Peñafrancia.
Ito ay matapos pa ring ituloy ang Fluvial Procession ng birhen na mas kilala sa tawag na ‘Ina’ kahapon, araw ng Sabado.
Isang misa ang naganap sa Naga Metropolitan Cathedral alas-3:00 ng hapon na sinundan na ng prusisyon sa Naga River.
Isinakay sa Pagoda ang imahe ng birhen patungo sa Basilica Minore na tahanan nito.
Paniwala ng ilang mga deboto, grasya ang pagbuhos ng ulan mula sa Birheng Maria.
Tinatayang higit isang milyong deboto ang sumaksi sa fluvial procession.
Samantala, isang bangka sakay ang 12 katao na naghihintay lamang sa pagdating ng birhen ang tumaob.
Agad naman itong nailigtas ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.