Pagbisita ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ngayong araw sa bansa, ipinagpaliban
Ipinagpaliban muna ng China at ng Pilipinas ng nakatakda sanang official visit ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa bansa ngayong araw hanggang sa Sept. 18
Ito ay bunsod ng paghagupit ng Bagyong Ompong sa bansa at ang inaasahang pagtama rin nito sa China ngayong araw.
Dahil sa banta ng bagyo sa China ay halos 150 flights na ang nakansela.
Layon sana ng pagbisita ni Wang na ipagpatuloy ang mga diskusyon sa planong joint energy exploration ng Pilipinas at China.
Sinabi ng PAGASA na magla-landfall ngayong araw ang Bagyo sa Hong Kong.
Dahil dito ay hinimok ni Hong Kong Security Minister Jong Lee Ka-chiu ang mga residente na maghanda.
Sa isang press briefing sinabi rin ng opisyal na hindi pangkaraniwan ang paghahanda ng kanilang gobyerno para sa bagyo.
Sa Fujian province sa China ay nasa 51,000 katao na ang inilikas at 11,000 vessels ang ibinalik na sa mga pantalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.