DFA, pinag-iingat ang Filipino Community sa Hong Kong dahil kay Bagyong Ompong
Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Filipino Community sa Hong Kong sa inaasahang pananalasa ng Typhoon Mangkhut o ang Bagyong Ompong.
Sa isang pahayag, nanawagan ang DFA sa 227,000 Filipino sa lugar na manatili sa kanilang mga tahanan.
Pinakakansela rin ang kanilang mga outdoor activies at travel plans.
Pinayuhan din ni Consul General Antonio Morales ang mga Pinoy na tumutok sa weather advisories at sumunod sa payo ng mga awtoridad.
Nag-abiso rin si Morales ng posibilidad ng pagsasara ng Consulada sakaling itaas ang T8 at T10 storm signals.
Tiniyak ng Consulada na babantayan nito ang sitwasyon ng bagyo at ang pakikipag-ugnayan sa Hong Kong authorities.
Handa rin anya ito na magbigay ng tulong kung kinakailangan.
Sa oras ng emergency, maaaring tumawag ang mga Filipino sa Hong Kong sa mga numerong 999 at sa Consulate Hotline na +852.9155.4023.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.