PNP: Walang krimen na naitala sa pananalasa ng Bagyong Ompong

By Len Montaño September 16, 2018 - 12:56 AM

Inahalintulad ang Bagyong Ompong sa laban sa ring ni Filipino boxing icon Senator Manny Pacquiao.

Sa briefing ng National Disaster Risk Reduction Council (NDRRMC), sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana Jr., walang naitalang malaking krimen sa nakalipas na 24 oras kasabay ng pananalasan ng bagyo.

Ayon kay Durana, ito ay dahil siguro inayos muna ng mga masasamang loob ang kanilang bahay. Pabiro pa nitong sinabi na parang Pacquiao match ang Bagyong Ompong.

Pero hindi anya dapat magpakampante ang mga pulis dahil hindi malinaw ang pag-iisip ng mga gumagawa ng krimen.

Nag-deploy ang PNP ng 6,887 na mga pulis lalo na sa evacuation centers para matiyak ang payapa at maayos na paglikas ng mga biktima ng bagyo.

Samantala, pinasalamatan naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga magnanakaw, mamatay tao dahil hindi sila gumawa ng krimen at hindi nagdagdag ng pasakit sa bansa sa gitna ng masamang panahon. Sana anya ay ituloy ng mga ito na huwag ng gumawa ng krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.