Grab nag-alok ng rubber boats para sa rescue operations sa Bagyong Ompong
Nag-alok ang Grab Philippines ng dalawang rubber boats sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Marikina City na maaaring gamitin para sa rescue operations kaugnay ng Bagyong Ompong.
Sa pahayag ng Grab, sinabi nitong nasa warehouse lamang ang rubber boats na gagamitin lamang sana sa panahon ng emergency ng employees at transport network vehicle service (TNVS) partners.
Gayunman, nagdesisyon ang kanilang pamunuan na ipahiram ito sa gobyerno para mas makatulong sa mas maraming tao.
Sinabi rin ng Grab na bibili pa sila ng maraming rubber boats sa hinaharap bilang tulong na rin sa mga rescue missions.
Inilabas din ng grab ang mga sumusunod na hotline numbers para sa mga typhoon-related emergencies at concerns ng kanilang mga pasahero at TNVS partners.
Para sa mga pasahero — Globe: 0966 815 5619 and Smart: 0929 199 3296
Para sa mga TNVS partners — Globe: 09274079011 and Smart: 09497687711.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.