Suspensyon ng pasok sa mga korte ipinaubaya sa executive judges
Binigyang-laya ng Korte Suprema ang mga lokal na korte na magdeklara ng suspensyon sa trabaho ngayong araw.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, inatasan ni Chief Justice Teresita Leonardo De Castro ang mga executive judges na magpasya kung kinakailangang suspindehin ang pasok.
Mas alam kasi aniya ng mga executive judge ang sitwasyon sa kanilang lugar na nasasakupan.
Hindi rin nagsuspinde ng pasok sa Supreme Court si De Castro ngayong araw at sa mga korte sa Metro Manila.
Maliban na lamang sa Manila City Hall na sakop ng deklarasyon ng work suspension ni Mayor Joseph Estrada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.