Pangulong Duterte, itinalaga si Francis Tolentino bilang kanyang ‘conduit’ para kay #OmpongPH

By Rhommel Balasbas September 14, 2018 - 03:49 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Political Adviser Francis Tolentino na maging kanyang ‘conduit’ sa pagbayo ng Bagyong Ompong sa bansa.

Sa command conference ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC) na pinamunuan mismo ng pangulo, sinabi nito na umaaasa siyang bibigyan siya ni Tolentino ng updates tungkol sa relief operations at calamity response ng gobyerno.

Ayon sa pangulo, handa na ang lahat sa mga disaster offices at ang kailangan lang gawin ay mabigyan siya ng impormasyon sa progreso ng relief operations.

Tinanggap naman agad ni Tolentino ang utos ng pangulo at nangakong bubuo ng command center sa regional disaster office sa Tuguegarao.

Inatasan din niya sina Transportation Sec. Arthur Tugade at Labor Sec. Silvestre Bello III na umuwi sa Cagayan at Isabela na kanilang mga hometowms para maramdaman ang presensya ng gobyerno sa naturang mga lalawigan.

Inutusan din sina Agriculture Sec. Manny Piñol, Environment Sec. Roy Cimatu at NDRRMC Executive Director Ronald Jalad na bumisita sa mga lugar na masasalanta ng bagyo.

Giit ng pangulo, hindi niya kayang pumunta sa iba’t ibang lugar sa iisang pagkakataon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.