Ilang mga biyahe ng barko kanselado dahil sa sama ng panahon
Dahil sa masungit na lagay ng karagatan dulot ng bagyong Ompong, kanselado na ang mga biyahe ng barko sa mga pantalan ng Ormoc, Palompon, Guian, at Allen sa Region 8.
Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Armand Balilo, umaabot na sa 2,892 ang mga pasahero na na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Pinakamaraming stranded sa Dumaguete Port sa Negros Oriental na may 1,447 na pasahero, pangalawa ang Matnog Port sa Sorsogon na may 478 na pasahero, pangatlo ang Manila North Harbor na may 364 na pasahero, at ang Tabako City Port sa Albay na may 145 na stranded na pasahero.
Nasa 10 barko, apat na motorbanca at 188 rolling cargo ang pinipigil din sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.