Meralco magkakaroon ng rollback ngayong Setyembre
Sa kabila ng inflation at pagbulusok ng piso kontra dolyar, magkakaroon ng bawas singil sa kuryente ang Meralco ngayong Setyembre.
Magpapatupad ang Meralco ng rollback na P0.15 per kilowatt hour sa overall electricity rates ngayong buwan.
Ayon kay Meralco spokesperson and Public Information Office head Jose Zaldarriaga, maiibsan ng kaunti ang hirap ng publiko mula sa mataas na presyo ng mga bilihin dahil sa pagbaba ng power rate.
Sa may konsumong 200 kilowatt per hour, may bawas na P29 sa total bill.
Ang bawas-singil ay bunsod ng mababang Wholesale Electricity Spot Market charges.
Ito ay dahil sa kaunting insidente ng power plant capacity outage at mababang demand ng kuryente sa Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.