#OmpongPH, napanatili ang lakas; Isabela, isinailalim na sa Signal No. 2

By Rhommel Balasbas September 13, 2018 - 11:35 PM

Patuloy na nagbabanta ang Bagyong Ompong sa Northern Luzon.

Sa 11pm press briefing ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 740 kilometro Silangan ng Infanta, Quezon o 485 kilometro Silangan-Hilangang-Silangan ng Virac, Catanduanes.

Sa ngayon, napanatili ng Bagyong Ompong ang lakas ng hangin nitong aabot sa 205 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Itinaas na ng PAGASA ang signal number 2 sa Isabela.

Habang nasa Signal no. 1 naman ang Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon incl. Polillo Island, Northern Occidental Mindoro kasama Lubang Island, Northern Oriental Mindoro, Masbate, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias and Ticao Island at Northern Samar.

Inaasahan pa ring tatama ang bagyo sa Cagayan o Isabela Sabado ng Umaga.

Hindi rin isinasantabi ng PAGASA ang posibilidad na lumakas pa ang Bagyo sa 220 kilometro kada oras o higit pa na nasa Super Typhoon category na.

Nakataas ang gale warning sa Eastern seabords ng Northern Luzon, Visayas at Mindanao na mapanganib sa mga maglalayag.

Manatiling nakatutok sa susunod na weather advisory ng PAGASA na ilalabas mamayang alas-5:00 ng umaga.

TAGS: #OmpongPH, Bagyong Ompong, #OmpongPH, Bagyong Ompong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.