One-stop shop sa mga pampublikong ospital itinatag para tulungan ang mga kapus-palad

By Ricky Brozas September 13, 2018 - 02:08 AM

Pormal nang pinasinayaan ang Malasakit Center sa Philippine General Hospital (PGH) upang direktang matulungan ang mga kapus-palad o mahihirap na mga Pilipino.

Pinangunahan mismo ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang naturang okasyon kung saan dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng PGH.

Layon ng naturang Malasakit Center ay upang mabigyan ng agarang solusyon ang mga problemang idinudulog ng mga mahihirap na Pilipino na hindi kayang tustusan ang kanilang pagpapagamot at pangangailangang medikal.

Ayon kay Go, prayoridad ng Malasakit Center ang mga persons with disability (PWD) at senior citizens pero hindi nangangahulugan na hindi na tutulungan ang iba pang nangangilangan ng tulong medikal.

Katuwang din sa paghahatid-serbisyo publiko ng Malasakit Center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Social Welfare Undersecretary Isko Moreno na mas mabilis ring matutukoy ng Malasakit Center ang mga indigent patient o mahihirap na pasyente sapagkat may kinatawan ng DSWD sa bawat Malasakit Center partner hospitals nila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.