Isyu sa minority leadership hindi pakikialaman ng SC ayon sa isang mambabatas
Tiwala ang minority group sa Kamara na hindi makikialam ang Supreme Court sa isyu ng minority leadership.
Ayon kay Ako Bicol Representative Alfredo Garbin, panloob na usapin ito ng legislative branch ng gobyerno na co-equal ng hudikatura.
Bukod dito, makikita naman aniya na damami pa ang kanilang bilang sa minorya na ngayon ay nasa 45 na.
Nangangahulugan ito ayon kay Garbin na bukod sa liderato ng Kamara ay kinililala sila ng kanilang mga kasamahan bilang minorya.
Para naman kay minority leader Danilo Suarez, karapatan ng mga complainant na magpasaklolo sa SC.
Hindi na rin naman aniya bago sa kanya ang ganitong usapin.
Nauna rito, nais ng grupo ni dating Speaker Pantaleon Alvarez at Ilocos Representative Rodolfo Fariñas na magpalabas ang korte ng Status Quo Ante Order at Temporary Restraining Order upang kilalanin pansamantala na House Minority Leader si ABS Representative Eugene de Vera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.