Storm surge, landslides at iba pa, worst-case scenario ng Bagyong Ompong
Storm surge, landslides, at malawakang pagbaha.
Kabilang ang mga ito sa mga nakikitang “worst case scenario” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pinangangambahang pagtama ng Bagyong Ompong sa bansa.
Sa isang press conference, nagbabala si NDRRMC executive director Ricardo Jalad sa mga residente ukol sa mga posibleng mangyari sa pananalasa ng bagyo.
Ayon kay Jalad, importante ang evacuation protocol lalo na’t batay sa PAGASA, maaaring magkaroon ng storm surge sa coastal areas.
Ngayon, kailangan aniya ng assessement kung magkakaroon ng storm surge kaya dapat maging mabilis ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapasya hinggil sa posibleng evacuation ng mga residente.
Sa kasalukuyan ay wala pa namang naiuulat na lumikas na, dahil posibleng maramdaman ang malakas na pag-ulan simula sa Huwebes at Biyernes.
Dagdag ni Jalad, ginagawa nila ang lahat uri ng paghahanda upang walang casualties na maitatala sa kalamidad.
Giit nito, bagaman malayo o hindi man maging kasing lakas ng Supertyphoon Yolanda ang Super Bagyong Ompong, mas gugustuhin na nilang overprepared sila kasya sa underprepared para sa Bagyong Ompong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.