Mga dam na maaaring maapektuhan ng Bagyong Ompong, minomonitor na ng PAGASA

By Isa Avendaño-Umali September 13, 2018 - 01:50 AM

Nakatutok na ang Hydrometeorology division ng PAGASA sa limang malalaking dams sa iba’t ibang lugar sa bansa, na maaaring maapektuhan ng Bagyong Ompong.

Kabilang dito ang Angat dam sa Bulacan, Magat dam sa Isabela, Binga at Ambuklao dams sa Mountain Province at San Roque dam sa Pangasinan.

Ayon sa PAGASA, babantayan kung kinakailangan nang mag-discharge o magpakawala ng tubig ng mga naturang dam, sakalung manalasa na ang bagyo.

Pero sa ngayon, nagpadala na ang PAGASA ng advisory para sa commencement ng flood precaution period, dahil sa posibleng sabayang pagpapakawala ng tubig.

Batay naman sa latest monitoring, ang Angat dam ay nananatiling normal at operational na ang kanilang equipment.

Samantala, ang Bustos dam ay nagpakawala ng tubig, bilang paghahanda sa Bagyong Ompong.

As of 6PM ay nasa 17.20 meters ang water level ng Bustos dam, na malayo pa sa 17.52 meters na spilling level.

Wala ring naiulat na pagbaha sa kalapit na lugar ng Bustos dam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.