Filing period ng COC, inilipat sa October 11 hanggang 17

By Rhommel Balasbas September 13, 2018 - 03:48 AM

Inilipat ng Commission on Elections (COMELEC) sa October 11 hanggang 17 ang schedule ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2019 midterm elections.

Matatandang nauna nang itinakda ang filing period sa October 1 hanggang 5.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi kasama ang Sabado at Linggo sa filing period.

Anya pa, wala ring extension ng filing hours sa huling araw.

Ang anunsyo ay naganap matapos himukin ng parehong kapulungan sa Kongreso ang Comelec na ilipat ang paghahain ng COC ang filing period sa October 11 hanggang 17.

Walang rason ang Senado kung bakit nais nitong i-reschedule ang filing period ngunit ang rason naman ng Kamara ay upang magampanan ang kanilang legislative duties at makaabot sa deadline ng filing.

Ayon sa resolusyon ng Mababang Kapulungan, ang 17th Congress ay magsasagawa ng sesyon hanggang October 12 at mag-aadjourn mula October 13 hanggang November 11.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.