NoKor at US pinaplantsa na ang ikalawang summit
Naghahanda na ang Estados Unidos at North Korea para sa napipintong ikalawang summit sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.
Kasunod ito ng inanunsyong planong pagbisita ni South Korean President Moon Jae-in sa NoKor para sa ikatlong pakikipagpulong kay Kim.
Mismong si Kim umano ang sumulat at nagpadala ng liham kay Trump upang magkaroon ng followup summit ang kanilang naunang pagkikita noong Hunyo.
Ayon kay White House press secretary Sarah Huckabee Sanders, bukas si Trump na muling makipagkita sa pinuno ng NoKor at sa ngayon ay nakikipag-coordinate na sila sa NoKor ukol sa ikalawang summit.
Matatandaang pangunahing dahilan ng unang summit sa pagitan ng dalawang mga bansa ang tungkol sa denuclearization ng North Korea. At sa ikalawang pagkikita ng kanilang mga lider ay inaasahang maipagpapatuloy ang naturang usapin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.