Malacañang pabor na humarap sa Senate probe si Go
Tiwala ang Malacañang na maidedepensa ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang kanyang sarili kaugnay sa gagawing imbestigasyon ng Senado ukol sa mga infrastructure project na nakuha ng kanyang pamilya sa Davao City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang conflict of interest na nakikita ang palasyo sa pagkakadawit kay Go sa kontrobersiya.
Kinikilala aniya ng Malacañang ang kalayaan ng Senado na magsagawa ng ng imbestigasyon.
Mas magandang oportunidad na rin aniya ang imbestigasyon para mabigyang linaw ni Go ang isyu.
Ngayong araw pormal na naghain ng resolusyon si Trillanes na humihiling sa Senado na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y posibleng conflict of interest sa panig ni Go.
Nauna na ring sinabi ni Go na walang basehan ang mga paratang sa kanya na umano’y gawa-gawa lamang ng maling pamumulitika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.