Biyahe ng LRT-1 nagka-aberya, pila ng pasahero sa mga istasyon humaba

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2018 - 08:45 AM

Nagka-aberya ang biyahe ng Light Rail Transit – 1 sa kasagsagan ng rush hour ngayong Miyekules (Sept. 12) ng umaga.

Ayon kay LRT-1 Operations Head Rod Bilario, isang pasahero ang aksidenteng napindot ang warning signal ng train door sa Tayuman Station.

Dahil dito, nagpatupad ng bawas sa bilis ng andar ng tren ang LRT management na ibinaba sa 15 kilometers per hour mula sa normal na 40 kilometers per hour.

Nang maialis sa riles ang nagka-depektong tren ay naibalik naman sa normal ang bilis ng takbo ng mga tren bago mag-alas 7:00 ng umaga.

Gayunman, ang sandaling aberya ay nagdulot na ng mahabang pila ng mga pasahero sa mga istasyon partikular sa EDSA, Roosevelt, Balintawak, Monumento, 5th Avenue, R. Papa, at Abad Santos.

As of 8:42 ng umaga, sinabi ng LRT management na 28 tren nila ang bumibiyahe ng normal.

TAGS: LRT, lrt line 1, Radyo Inquirer, LRT, lrt line 1, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.