3 milyong Pinoy apektado sa bagyong Lando ayon sa NDRRMC

By Den Macaranas October 31, 2015 - 07:19 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa kabuuang 687,027 families o katumbas ng 3,041,979 individuals ang direktang naapektuhan ng nagdaang bagyong Lando.

Marami pa rin ang mga nasa evacuation centers hanggang sa kasalukuyan lalo na sa mga binabaha pa ring mga baranggay na karamihan ay matatagpuan sa Central Luzon.

Ayon sa NDRRMC, nasa 5,805 families katumbas ng 25, 463 individuals ang hanggang ngayon ay nasa mga temporary shelters dahil hindi pa rin sila nakababalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa kabuuan ay 48 death toll samantalang 83 naman ang naitalang injured sa pananalasa ng bagyong Lando na ayon sa PAGASA ay pinaka-malakas na bagyo na tumama sa bansa sa taong kasalukuyan.

Umabot naman sa kabuuang P121,016,592 ang halaga ng mga naipamigay na food packs mula sa pamahalaan at ibat-ibang mga organisasyon.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ng NDRRMC ang kumpletong assessment ng Department of Agriculture at Public Works Department kaugnay sa lawak ng pinsala sa agrikultura at mga imprastratura.

 

TAGS: 2015, Lando, NDRRMC, 2015, Lando, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.