Opposition senators pinaiimbestigahan sa Sebado ang pagbawi Pang. Duterte sa amnestiya ni Sen. Trillanes
Naghain ng resolusyon ang minority bloc sa Senado para hilingin maimbestigahan ng Senado ang pagbawi sa amenstiya ni Senator Antonio Trillanes IV.
Sa ilalim ng Senate Resolution 887 hinihiniling ng mga Senador na imbestigahan sa kaukulang komite sa Senado ang anila ay walang basehan na proklamasyon ni Pangulong Duterte na bumabawi sa amnestiya ni Senator Antonio Trillanes IV.
Tinawag nilang “fraudulent” at “erroneous” ang Proclamation Number 572 ni Pangulong Duterte.
Ang resolusyon ay nilagdaan nina Senators Franklin Drilon, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Leila de Lima.
Nakasaad sa resolusyon na ang imbestigasyon ay isasagawa para sa posibleng pagkakaroon ng batas upang maiwasan na sa susunod na pagkakataon ang kahalintulad na sitwasyon ng anila ay pag-abuso ng presidential powers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.