VIRAL: Transgender woman, hindi pinapila sa MRT Female loading area; DOTr tatalakayin ang isyu

By Isa Avendaño-Umali September 11, 2018 - 12:32 PM

Tiniyak ng Department of Transportation o DOTr na kanilang nirerespeto ang gender equality at hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng inequality pagdating sa kasarian o serbisyo.

Ang pahayag ng DOTr ay kaugnay sa isang video na ipinost sa Facebook kung saan ipinagbawal daw ng mga gwardiya ang isang transgender woman na sumakay sa bagon na para sa mga babae at persons with disability o PWD.

Sa kwento ni Mikki Galang, sumasakay siya ng MRT dahil wala siyang kotse at ayaw na umano niyang maka-contribute pa sa mabigat na daloy ng trapiko.

At gaya ng ibang pasahero ng MRT ay nakikipagsiksikan at bumubuwis-buhay din daw siya.

Pero noong September 8 sa MRT Ayala Station, hinimok umano niya ang kanyang mga kaibigan na sumakay ng MRT upang makarating sa isang “work concert on time.”

Pawang mga babae silang lahat, at first-time daw ni Galang na pipila sa loading area para sa mga babae at may kapansanang pasahero.

Nang nasa loading area, may lumapit daw sa kanyang dalawang gwardiya at sinabi sa kanyang “bawal po ang lalaki rito.”

Sagot ni Galang, “Sir, babae po ako” at tumugon naman ang mga gwardiya na “Paano?!” Ang usapan na ito ay wala sa video na naipost ni Galang.

Pero sa video na posted sa kanyang Facebook account, maririnig ang isang gwardiya na nagsabing marami raw kasing nagrereklamong ibang pasahero at ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho kaya huwag daw sanang magalit sa kanila.

Ayon kay Goddes Libiran, ang communications director ng DOTr, kanilang iko-convene ang Gender and Development o GAD committee, kasama ang MRT-3 management upang talakayin, i-address o bumuo ng guidelines upang maiwasan nang mangyari ang kahalintulad na insidente.

Ani Libiran, kailangan ding ma-educate ang kanilang mga staff at empleyado, maging ang mga security guards, para maging mas sensitibo sa usapin ng mga miyembro ng LGBT community.

TAGS: Female Loading Area, LGBT, MRT, Transgender Woman, Female Loading Area, LGBT, MRT, Transgender Woman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.