300 pasahero stranded sa Basilan port
Tinatayang aabot sa 300 mga pasahero ang na-stranded sa pantalan sa Isabela City sa Basilan.
Ito ay dahil sa isang commercial vessel na hindi makaalis sa pantalan matapos na masiraan.
Nabigo ang M/V Stephanie Marie na makapaglayag ngayong Martes ng umaga patungong to Zamboanga City matapos bumigay ang forward ramp nito nang kumarga ang isang truck na mayroong lulang mga lumber.
Ginagawan na ng paraan upang maiayos ang bumigay na rampa.
Samantala, patuloy naman ang monitoring ng Philippine Coast Guard Zamboanga Station sa paparating na bagyo.
Ayon kay Station Commander Lt. Noriel Ramos nakaalerto na ang kanilang buong team at nakabantay sa mga pantalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.