PUBLIC SERVICE: Ilang lugar sa QC at Quezon Province mawawalan ng kuryente
By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2018 - 07:59 AM
Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Quezon City at Quezon Province.
Sa abiso ng Meralco, sa Quezon City, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Barangay St. Ignatius sa Katipunan.
Ito ay dahil magpapalit ng mga luma nang poste ang Meralco sa St. Ignatius Village.
Sa lalawigan naman ng Quezon, mawawalan ng kuryente sa parehong oras ang bayan ng Sariaya.
Apektado ng power interruption ang bahagi ng Lutucan Barangay Road sa Barangay Lutucan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.