US naghahanda sa paghagupit ng bagyong Florence

By Justinne Punsalang September 11, 2018 - 12:44 AM

AFP

Naghahanda na ang Estados Unidos para sa paghagupit ng maituturing na major hurricane na pinangalanang Florence.

Sa huling datos ng National Hurricane Center, namataan ang sama ng panahon sa 1,005km timogsilangan ng British North Atlantic island at inaasahang hahagupit sa silangang bahagi ng bansa.

Taglay nito ang hangin na aabot sa 169km bawat oras, kaya naman ito ay isa nang Category 2 storm.

Sa lakas ng bagyo ay posibleng makaranas ng lubhang masamang panahon ang ilang mga states hanggang sa araw ng Huwebes.

Babala ng mga otoridad, maghanda sa lubhang mapanganib na pagbaha, malalakas na hangin, at malawakang kawalan ng kuryente.

Dahil sa mapanirang hangin at tidal surge na idudulot ng hurricane Florence ay ipinagutos na ng US Navy ang paglilipat ng mga barkong nakadaong sa baybayin ng Virginia.

Samantala, binabatanyan naman ng NHC ang dalawa pang bagyo na pinangalanang Helene at Isaac na susunod sa dadaanan ng bagyong Florence.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.