Petisyon ni Trillanes vs pagbawi sa kaniyang amnestiya, tatalakayin bukas

By Len Montaño September 10, 2018 - 08:12 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Nakatakdang talakayin ng Korte Suprema ang petisyon ni Sen. Antonio Trillanes IV laban sa pagpapawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang amnestiya sa Martes.

Ayon sa sources, tatalakayin ang petisyon ni Trillanes sa regular en banc session ng Supreme Court bukas.

Sa ngayon ay wala umanong rekomendasyon mula kay Associate Justice Diosdado Peralta, kung kanino na-raffle ang petisyon ni Trillanes, ukol sa paglalabas ng temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injunction (WPI) na pipigil sa Proclamation No. 572 ni Duterte habang nakabinbin ang kaso.

Sakali namang may rekomendasyon na TRO mula kay Peralta, pagbobotohan ito ng en banc.

Worst case scenario naman sa senador ang agarang pagbasura ng Korte Suprema sa kanyang petisyon sa gitna ng kaso laban sa kanya sa dalawang branch ng Makati Regional Trial Court (RTC).

TAGS: amnesty, korte suprema, sen antonio trillanes iv, amnesty, korte suprema, sen antonio trillanes iv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.