Motion to quash ni Hagedorn sa kaso ng nawawalang mga baril ibinasura

By Erwin Aguilon September 10, 2018 - 04:25 PM

Radyo Inquirer

Ibinasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang hiling ni dating Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn na motion to quash information sa kasong malversation of public property.

Base sa anim na pahinang desisyon, sinabi ng korte na wala silang nakitang dahilan upang pagbigyan ang mosyon ni Hagedorn.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Hagedorn na gumawa siya ang paraan upang mahanap ang mga baril na ito at maibalik bago pa nakapaghain ng kaso laban sa kanya.

Nakasaad pa sa resolusyon ng korte na ang sinasabi ng akusado na isiuli niya ang mga baril bilang depensa ay magagamit nito sa pagdinig na ng kaso.

Ang kaso ay kaugnay ng mga baril na hindi umano isinauli ni Hagedorn sa gobyerno sa pagtatapos ng kanyang termino bilang alkalde ng lungsod.

TAGS: hagedorn, motion to quash, Puerto Princesa City, sandiganbayan, hagedorn, motion to quash, Puerto Princesa City, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.