Bagong eco-friendly bus solusyon sa traffic sa EDSA — DOTr

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 01:48 AM

Photo c/o DOTr

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) ang mga modernong bus na sinasabing isa sa mga solusyon upang maibsan ang traffic sa EDSA.

Transportation Assistant Secretary Mark De Leon, kayang magsakay ng mga bus ng hanggang sa 120 mga pasahero.

Sa pamamagitan aniya nito ay ma-mamaximize ang ridership ng mga pasahero sa mga lungsod.

Kumpara sa mga bus na kasalukuyang tumatakbo sa mga lansangan, mas maluwag at mayroon itong pasilidad para sa mga persons with disability (PWD), senior citizen, at mga buntis.

Bukod pa ito sa mas environment friendly ang mga modernong bus dahil sa Euro 4 o Euro 5 na mga makina.

Mayroon din itong surveillance camera, TV monitor, at comfort room.

Umaasa ang DOTr na puro modernong bus ang tatakbo sa mga kalsada sa buong bansa pagdating ng 2020.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.