Metro Manila kukuha ng gulay mula sa isang bayan sa Bukidnon

By Justinne Punsalang September 09, 2018 - 09:14 PM

AFP

Kasunod ng paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin katulad ng gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila ay nakuha ng alternatibong pagkukuhanan ng supply nito ang Department of Agriculture (DA).

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Piñol na sa bayan ng Talakag, Bukidnon ay nagrereklamo ang mga magsasaka sa napakababang presyo ng gulay na kanilang inaani.

Ayon sa isang magsasaka, umaabot lamang umano sa P12 ang bawat kilo ng repolyo mula sa nasabing bayan.

Kaya naman ayon sa kalihim, napagkasunduan na magbibigay sila ng P20 milyong loan para sa Talakag Farmers Association na kanilang magagamit sa pagbili sa mga produkto.

Bukod sa bayan ng Talakag ay tinitingnan na rin ng DA ang mga bayan ng Lantapan, Similar, at Imapasugong na maaaring pagkuhanan ng kagawaran ng supply ng gulay.

Ani Piñol, sa pamamagitan nito ay mapapababa nang lubos ng halaga ng gulay sa mga palengke sa Metro Manila at kasabay nito ay matutulungan din ang mga magsasaka sa Bukidnon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.